Album: Peryodiko
Tuwing nabibigo,
Ay napapako sa ‘sang tabi
Karamay ang mga bituin
Nagpipigil, nanggigigil, napapakamot
Sa isang daang taong pag-aantay
Naglalakbay nang isip
Hindi na muling padadala sa ‘yong mga ngiti
[chorus]
Kailangan ko ng bakasyon
Maaari bang magpahinga ang puso kong
Patalun-talon tuwing nabibitin
Sa kung ano ba ang alin
‘Di lang isang beses,
Apatnapu’t walong libo at pitong daang mga paraan
Nasusubukan, tila ‘di nauubusan
Pano ba naman halos talunin ko na ang buwan
Namimilipit na ang tyan
Ngunit pati pagsuyo’y may hangganan
Hindi na muling padadala sa ‘yong mga ngiti
[repeat chorus twice]
[repeat chorus thrice]
Bakasyon…
Kailangan ko ng bakasyon…
Kailangan ko ng bakasyon…
Kailangan ko na, kailangan ko na, kailangan ko na…