Lihim

Album: Peryodiko

Kanina pa,
Napapatulala
Nasa’n na kaya?
‘Di na naririnig

Minsan pa ba?
Ilang ulit pa bang
Pagtatakpan ang nadarama
Na ‘di na naririnig
‘Di na naririnig
‘Di na naririnig

Mapapawi kaya
Ang panahon na mawawala
Sa piling ng pansamantalang
Pag-ibig na gawa-gawa

Hanggang kailan kaya
Maglalakad ng walang patutunguhan
Sagad sa buto ang katotohanang
Nariyan lang pala pero ‘di na naririnig
‘Di na naririnig
‘Di na naririnig
‘Di na naririnig

‘Di naman dapat ganito ang aking kwento
Ngunit ‘di mapakali
Ang tadhanang nagmamadali
Natapos na lang bigla
‘Di man sinasdaya at ‘di ko na marinig
‘Di ko na marinig
‘Di ko na marinig

‘Di na naririnig, ‘di na naririnig, ‘di na naririnig, ‘di na naririnig…

‘Di na naririnig…

Tayo

Albu: Peryodiko

Sandali, alam ko na atang sasabihin mo
Sa ‘sang saglit, naririnig ko nang nasa isip mo

[refrain]
Pa’no ba tayo nagkaganito?
Kailan ba nagsimula ang gulo?
Mga oras na lumipas, alin ba ditong totoo?

[chorus]
Paano pa lalabanan?
(Kung) ‘di man lang natin alam ang sanhi
Tikom ang ating mga labi
Kapwa walang masabi
Sa bawat kumpas ng mga sandali
Napag-iiwanan
Dati ‘di naman tayo ganito
Kathang-isip lamang ba ang gulo?
Mga oras na lumipas, alin ba ditong totoo?

[refrain]
Pa’no ba tayo nagkaganito?
Kailan ba nagsimula ang gulo?
Mga araw na lumipas, alin ba ditong totoo?

[chorus]
Paano pa lalabanan?
Kung ‘di man lang natin alam ang sanhi
Tikom ang ating mga labi
Kapwa walang masabi
Sa bawat kumpas ng mga sandali
Napag-iiwanan
Dati ‘di naman tayo ganito
Kathang-isip lamang ba ang gulo?
Ang lahat ng ‘di masabi, na ‘di mawari-wari
Parang panaginip, alin ba ditong totoo?

Alin ba dito?
Alin ba ditong totoo?

Alin ba dito?
Alin ba ditong totoo?

Alin ba dito?
Alin ba ditong totoo?

Alin ba dito?

Bakasyon

Album: Peryodiko

Tuwing nabibigo,
Ay napapako sa ‘sang tabi
Karamay ang mga bituin
Nagpipigil, nanggigigil, napapakamot
Sa isang daang taong pag-aantay
Naglalakbay nang isip

Hindi na muling padadala sa ‘yong mga ngiti

[chorus]
Kailangan ko ng bakasyon
Maaari bang magpahinga ang puso kong
Patalun-talon tuwing nabibitin
Sa kung ano ba ang alin

‘Di lang isang beses,
Apatnapu’t walong libo at pitong daang mga paraan
Nasusubukan, tila ‘di nauubusan
Pano ba naman halos talunin ko na ang buwan
Namimilipit na ang tyan
Ngunit pati pagsuyo’y may hangganan

Hindi na muling padadala sa ‘yong mga ngiti

[repeat chorus twice]

[repeat chorus thrice]

Bakasyon…
Kailangan ko ng bakasyon…
Kailangan ko ng bakasyon…
Kailangan ko na, kailangan ko na, kailangan ko na…

Pikit

Album: Peryodiko

‘Sa ‘sang saglit ay babalik
Nagdadasal ng nakapikit

Mapapatawad mo kaya ako
Kung iwanan ko ng sandali ang mundo mo at bumalik
Sa kung saan ako muling nangarap ng gising
At nadama kong totoo ang ihip ng hangin

Paulit-ulit ang mga gabing ‘di makatulog
Nahuhulog sa ‘sang madilim na sulok
Naghihintay, nag-aabang, naghahanap ng paraan
Sa kung paano at kailan at kung ano bang dahilan

[chorus]
‘Sa ‘sang saglit ay babalik
Nagdadasal ng nakapikit

Mapapatawad mo pa ba ako
Sa tuwing nawawala ako sa sarili ‘kong mundong parisukat
Dala-dalang mga gawa-gawang saklay
Alam kong hirap kang sumabay, alam mong hirap ako

Paulit-ulit ang mga araw na parang kay tagal-tagal
Ang oras parang kay bagal bagal
Naghihintay, nag-aabang, naghahanap ng mga sagot
Sa kung paano at kailan at kung ano bang dahilan

[chorus]
‘Sa ‘sang saglit ay babalik
Nagdadasal ng nakapikit

Magbabalik sa isang saglit
Nagdadasal ng nakapikit

…nakapikit

‘Sa ‘sang saglit ay babalik
Nagdadasal ng nakapikit

‘Sa ‘sang saglit ay babalik
Nagdadasal ng nakapikit

‘Sa ‘sang saglit (nakapikit) ay babalik
Nagdadasal ng (nakapikit) nakapikit

‘Sa ‘sang saglit (nakapikit)

Agawan Base

Sakaling magbalik sa iyo
Pagkatapos magpalit-anyo ang paligid
Sa ‘sang gilid may mga matang nagmamasid
At nag-aabang ng bagong laro

[refrain]
Alam ko
Pagbabayaran ko
Ang nakalimutang tagpo
Pagbabayaran ko

[chorus]
Sa tuwing umaalis at tuwing bumibitaw
Ang puso ko’y nagsusumigaw
Nagpapanggap mang nakangiti pa rin
Dala ang iyong habilin
Ang puso ko’y nagsusumigaw
Nagsusumigaw

Sakaling magpalit anyo ang ngayon
Magagamot ba ang pait ng kahapon
Pagsisisi’y nakaukit sa naguumpugang bato
Eto na kaya ang bagong laro

[repeat refrain]

[repeat chorus]