Lakad

Sandwich

‘Pag lumakad ka sa init
Magdala ng sumbrero
Para ‘di mainitan
Ang iyong bumbunan

‘Pag lumakad sa ulan
Magdala ka ng kapote
O kaya’y ng payong
Para ‘di ka sipunin

[chorus]
Maglakad sa araw
Maglakad sa buwan
Tipid sa pamasahe
Pampatibay ng katawan…two, three, four

‘Pag lumakad sa baha
Magsuot ng bota
Para manatiling tuyo
Ang iyong paa

‘Pag lumakad sa dilimn
Magbaon ng flashlight
Para ‘di ka maligaw
At lamunin ng mamaw

[repeat chorus]

Lalakad…
Lalakad…
Lalakad…
Lalakad…

‘Pag lumakad ka sa putik
Magbaon ng pampalit
Siguradong tatalsik
Malapot at malagkit

‘Pag lumakad ka sa gubat
Magdala ng itak
Panghawi sa daan
Tabi-tabi po dyan

[repeat chorus]

Lalakad…
Lalakad…
Lalakad…
Lalakad…

Lalakad…
Lalakad…
Lalakad…
Lalakad…