Ang Huling Yakap ng Mundo

Imago

Album: Effect Desired None

Naranasan mo na bang
Gumising na kailangang
Gapangin ang gulo?

Lungkot na ‘yong dala
Tila sumpa
Mabigat pa sa iyo

Ihahatid kita
Sa dulo ng pangakong
Sisirain mo

[chorus]
Maiiwan akong nakakapit
Maiiwan akong pinipilit agawin
Ang huling yakap ng mundo

Matagal ko nang lulan
Ang ‘yong pag-aalangan
At muli kang bibitaw

Marami kang gusto
Kasama ba ako
Sa puwang sa buhay mo?

Itatawid kita
Sa dulo ng pangakong
Babasagin mo

[chorus]
Maiiwan akong nakakapit
Maiiwan akong pinipilit agawin
Ang huling yakap ng mundo

Oh ooh ah ooh ah
Oh ooh ah ooh ah ahh

[chorus]
Maiiwan akong nakakapit
Maiiwan akong pinipilit agawin
Maiiwan akong nakakapit
Maiiwan akong pinipilit agawin
Ang huling yakap ng mundo