Categories
Kenyo

Hanggang Sa Muli

Album: Maharlika

Hanggang sa muli
Sa iyong pag-uwi
‘Di na hahayaan pang lumisan ka ulit

Bawat gabi
Nagmamadali
Isang saglit lang
Isang sandali

Mga magdamag
Biglang lumundag
Ilang pikit pa lang tapos agad

[chorus]
Sa ‘yong pag-alis
Ika’y ‘hahatid
Baon mo ang yakap ko’t halik
Hanggang sa muli
Sa ‘yong pag-uwi
‘Di na hahayaan pang lumisan ka ulit

Pilit mang itago ay
Iiyak pa rin
Ayoko mang isipin ay
Daramhin pa rin

Pusong kay bigat
Sa iyong paglipad
Habol tanaw sa alapaap

[chorus]
Sa ‘yong pag-alis
Ika’y ‘hahatid
Baon mo ang yakap ko’t halik
Hanggang sa muli
Sa ‘yong pag-uwi
‘Di na hahayaan pang lumisan ka ulit

Sa iyong pag-alis
Ika’y ihahatid
Hanggang sa muli
Sa iyong pag-uwi

Habang pangarap mo’y
Hindi nakakamit
Titiisin ang hapdi
Habang pangarap mo’y
Hindi naaabot
Titiisin ang lungkot