Kay Tagal Kitang Hinintay

Spongecola

Album: Araw Oras Tagpuan

Hawakan mo ang aking kamay at tayong dalawa’y
Maghahasik ng kaligayahan
Bitawan mong unang salita
Ako ay handa nang tumapak sa lupa

Tapos na ang paghihintay nandito ka na
Oras ay naiinip magdahan-dahan
Sinasamsam bawat gunita
Na para bang tayo’y ‘di na tatanda

Ligaya mo’y nasa huli
Sambit lang ng ‘yong mga labi

Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo’y muling magkasama
Ang dati ay balewala

Nagkita rin ang ating landas wala nang iba
Akong hinihiling kun’di ika’y pagmasdan
Mundo ko ay iyong niyanig
Oh anong ligayang ika’y sumama sa akin

Nais ko lang humimbing
Sa saliw ng iyong tinig

Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo’y muling magkasama
Ang dati ay balewala

Panatag nang kalooban ko
At ika’y kapiling ko na
Oh kay tagal kitang hinintay
Oh kay tagal kitang hinintay

Ligaya mo’y nasa huli
Sambit lang ng ‘yong mga labi

Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo’y muling magkasama
Ang dati ay balewala
Ang dati ay balewala

Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo’y muling magkasama
Ang dati ay balewala

Panatag na’ng kalooban ko
At ika’y kapiling ko na
Oh kay tagal kitang hinintay
Oh kay tagal kitang hinintay