Ako’y Sa Iyo Ika’y Akin

I-Axe

Ikaw na ang may sabi, na ako’y mahal mo rin
At sinabi mo, na ang pag-ibig mo’y ‘di magbabago

Ngunit bakit sa tuwing ako’y lumalapit ika’y lumalayo
Puso’y laging nasasaktan pag may kasama kang iba
‘Di ba nila alam, tayo’y nagsumpaan
Na ako’y sa’yo, at ika’y akin lamang

At kahit ano’ng mangyari
Pag-ibig ko’y sa ‘yo pa rin
At kahit ano pa
Ang sabihin nila’y ikaw pa rin

Ang mahal, maghihintay ako kahit kailan
Kahit na, umabot pang ako’y nasa langit na

At kung ‘di ka makita, makikiusap kay Bathala
Na ika’y hanapin, at sabihin
Ipaalala sa iyo, ang nakalimutang sumpaan
Na ako’y sa iyo, at ika’y akin lamang

Umasa kang, maghihintay ako kahit kailan
Kahit na, umabot pang ako’y nasa langit na

At kung ‘di ka makita, makikiusap kay Bathala
Na ika’y hanapin, at sabihin
Ipaalala sa iyo, ang nakalimutang sumpaan
Na ako’y sa iyo, at ika’y akin lamang