Kisapmata

Rivermaya

Nitong umaga lang, pagka lambing-lambing
Ng iyong mga matang hayup kung tumingin
Nitong umaga lang, pagka galing-galing
Ng iyong sumpang walang aawat sa atin

O kay bilis naming maglaho ng
Pag-ibig mo sinta, daig mo pa ang isang kisapmata
Kanina’y nariyan lang o ba’t bigla namang nawala
Daig mo pa ang isang kisapmata.

Kani-kanina lang pagka ganda-ganda
Ng pagkasabi mong sana’y tayo na nga
Kani-kanina lang, pagka saya-saya ng buhay kong
Bigla na lamang nagiba