Sa Kanya

Sharon Cuneta

Namulat ako at ngayo’y nag-iisa
Pagkatapos ng ulan
Bagamat nakalipas na
Ang mga sandali ay nagmumuni
Kung ako’y nagwagi
Pinipilit mong sabihin
Na ito’y wala sa akin
Ngunit bakit hanggang ngayon
Nagdurugo pa rin

[chorus]
Sa kanya pa rin babalik sigaw ng damdamin
Sa kanya pa rin sasaya bulong ng puso ko
Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan
Ang pagmamahal at panahon alay
Pa rin sa kanya

At sa hatinggabi ay nagiisa na lang
Ay minamasdan ang larawan mo
At ngayo’y bumalik nang siya’y
Kapiling na
Alaala ng buong magdamag
Kung sakali mang isipin
Na ito’y wala sa akin
Sana’y dinggin ang tinig kong nag-iisa pa rin

[repeat chorus]

[chorus 2]
Sa kanya pa rin babalik sigaw ng damdamin
Sa kanya pa rin sasaya bulong ng puso ko
Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan
Ang pagmamahal at panahon
Ang pagmamahal at panahon
Alay pa rin sa kanya