Sa Kanya

Namulat ako at ngayo’y nag-iisa
Pagkatapos ng ulan
Bagamat nakalipas na
Ang mga sandali ay nagmumuni
Kung ako’y nagwagi
Pinipilit mong sabihin
Na ito’y wala sa akin
Ngunit bakit hanggang ngayon
Nagdurugo pa rin

[chorus]
Sa kanya pa rin babalik sigaw ng damdamin
Sa kanya pa rin sasaya bulong ng puso ko
Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan
Ang pagmamahal at panahon alay
Pa rin sa kanya

At sa hatinggabi ay nagiisa na lang
Ay minamasdan ang larawan mo
At ngayo’y bumalik nang siya’y
Kapiling na
Alaala ng buong magdamag
Kung sakali mang isipin
Na ito’y wala sa akin
Sana’y dinggin ang tinig kong nag-iisa pa rin

[repeat chorus]

[chorus 2]
Sa kanya pa rin babalik sigaw ng damdamin
Sa kanya pa rin sasaya bulong ng puso ko
Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan
Ang pagmamahal at panahon
Ang pagmamahal at panahon
Alay pa rin sa kanya

Ikaw

Ikaw ang bigay ng Maykapal
tugon sa aking dasal
upang sa lahat ng panahon
bawat pagkakataon
ang ibigin ko’y ikaw

Ikaw ang tanglaw sa ‘king mundo
kabiyak nitong puso ko
wala ni kahati mang saglit
na sa iyo’y may papalit
ngayo’t kailanma’y ikaw

Ang lahat ng aking galaw
ang sanhi ay ikaw
kung may bukas mang tinatanaw
dahil may isang ikaw
kulang ang magpakailan pa man
upang bawat sandali ay
upang muli’t muli ay
ang mahalin ay ikaw

Ang Pagibig Kong Ito

Umiiyak ang aking pusong nagdurusa
Ngunikt ayokong may makakita
Kahit anong sakit ang aking maranasan
Yan ay ayokong kanyang malaman

Mga araw na nagdaan
Kailanma’y hindi malilimutan
Kay tamis na araw ng pagmamahalan
Ang akala ko’y walang hangganan

Ang pagibig kong ito
Luha nag tanging nakamit buhat sayo
Kaya’t sa maykapal tuwina’y dalangin ko
Sana’y kapalaran ko ay magbago