Paano

Marinel Santos

Di ko inakala na ako ay luluha
Nang magpaalam ka sa’ki’y
Di manlang nagsabi kung saan
Ako’y di na makapagsalita
Lagi-laging tulala
Nawala na ang tuwa’t saya

[refrain]
Mula nang mawalay ka na
Buhay ko’y walang sigla
Di ko halos nanaisin
Sayo ay magkasala

[chorus]
Paano na ako kung wala ka na
Paano pa uusad ang buhay kong ito
Paano kung nasanay na sa pag-ibig mo
Sabihin mo kung paano
Paano na’t iniwan mo

Ako ba’y nagkamali sa pag-ibig ko
Ba’t bigla kang nagbago
At pagsuyo mo’y naglaho
Ako’y di na makapagsalita
Lagi-laging tulala
Nawala na ang tuwa’t saya

[repeat refrain and chorus]