Pangako

Marinel Santos

Ngayon, tulad ng kahapon
Unti-unting lumilipas ang panahon
Bakit, tanong sa aking isip
Hanggang kailan ang pagtitiis

[refrain]
Ika’y nalayo
Lumayo na wala sa piling ko ngunit…

[chorus]
‘Di magbabago ang aking puso
Noon, ngayon, bukas, ito ay pangako
Pag-ibig ko sa ‘yo’y walang hanggang

Noon kaysaya natin
Ikot ng mundo’y hindi napapansin
Bakit kailangan pang mangyari
Damdamin ko sa ‘yo’y nilimot mo

[repeat refrain]

[repeat chorus]

[bridge]
Maghihintay sa ‘yong pagbabalik
Bukas ang aking puso
Ang nakaraa’y nilimot ko na (ngayon, tulad ng kahapon)
Pag-ibig ko sa ‘yo’y walang hanggang (ito ay pangako)

[repeat chorus 2x]