Pwede Ba

Soapdish

Pwede bang sabihin mo
Itatago mo ang mga sulat ko
Kasi medyo maiinis ako
Kung itatapon mo

Huwag kang mag-alala
‘Di ako luluha
Kung may kapiling kang iba
‘Di na pipilitin pa
Itong damdamin ko sa ‘yo
Medyo maninibago
Pero ayos lang sa ‘kin ‘to

[chorus]
At pwede bang sabihin mo
Maghihintay ako sa ‘yo
Kasi medyo maiinip na ako
Sa ikot ng mundo

[chorus 2]
At pwede bang isipin mo
Nahihirapan din naman ako
Sa paghintay lang ng kung anu-ano
Magmumula sa iyo

At huwag kang magtataka
Kung ako’y biglang makita
Na nag-iisa
Nakahiga lang sa kama
Iniisip ko ito
Ba’t nga ba biglang nagbago
Makayanan ko sana ‘to

[repeat chorus]

At huwag kang mag-alala
‘Di ako luluha
Kung may kapiling kang iba
‘Di na pipilitin pa
Itong damdamin ko sa ‘yo
Medyo maninibago
Makayanan ko sana ‘to

[repeat chorus 2x]

At pwede ba, pwede ba, pwede ba
Pwede ba, pwede ba, pwede ba
At pwede ba, pwede ba, pwede ba
At pwede ba, pwede ba, pwede ba, o pwede ba