Sana

Shamrock

Langit na muli
Sa sandaling makita ang kislap ng iyong ngiti
May pag-asa kaya?
Kung aking sasabihin
Ang laman ng damdamin

[chorus]
Pinipilit mang pigilin
Na ika’y aking isipin
Wala na yatang magagawa
Sana’y hindi ipagkait sa ‘kin ang sandali
Na masilayan ka at marinig man lang ang tinig
Laging bukas ang puso ko
Upang ibigin ka
Laging wagas ang aking pagtingin
At aking pagsinta

Pinapangarap ka
Tinatanaw sa ulap
Ang iyong mga mata
Dinarasal kita
Hinihiling na sana ay lagi kang masaya

[repeat chorus 2x]