Salamat (Ang Awitin)

Yeng Constantino

Kung ito man ang huling awiting aawitin
Nais kong malaman mong ika’y bahagi na ng buhay ko
At kung may huling sasabihin
Nais kong sambitin nilagyan mo ng kulay ang mundo

Kasama kitang lumuha
Dahil sa ‘yo ako’y may pag-asa

[chorus]
Ang awiting ito’y para sa ‘yo
At kung maubos ang tinig ‘di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi ko
Salamat, salamat

Sana’y iyong marinig ang tibok ng damdamin
Ikaw ay mahalaga sa akin ang awiting ko’y iyong dinggin
At kung marinig ang panalangin
Lagi kang naroroon humihiling ng pagkakataon

Masabi ko sa iyo ng harapan
Kung gaano kita kailangan

[repeat chorus]

Ito na ang pagkakataon
Walang masayang na panahon
Mananatili ka sa puso ko kailanman
Para sa ‘yo ako’y lalaban
Ako’y lalaban

[repeat chorus]