Agawan Base

Peryodiko

Sakaling magbalik sa iyo
Pagkatapos magpalit-anyo ang paligid
Sa ‘sang gilid may mga matang nagmamasid
At nag-aabang ng bagong laro

[refrain]
Alam ko
Pagbabayaran ko
Ang nakalimutang tagpo
Pagbabayaran ko

[chorus]
Sa tuwing umaalis at tuwing bumibitaw
Ang puso ko’y nagsusumigaw
Nagpapanggap mang nakangiti pa rin
Dala ang iyong habilin
Ang puso ko’y nagsusumigaw
Nagsusumigaw

Sakaling magpalit anyo ang ngayon
Magagamot ba ang pait ng kahapon
Pagsisisi’y nakaukit sa naguumpugang bato
Eto na kaya ang bagong laro

[repeat refrain]

[repeat chorus]