Ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin
Tumatawid ako sa tamang tawiran
Sumasakay ako sa tamang sakayan
Pumipila at ‘di nakikipag-unahan
At ‘di ako pasiga-siga sa lansangan
Bumababa’t nagsasakay ako sa tamang sakayan (Nagbababa ako sa tamang babaan)
‘di nakahambalang parang walang pakiaalam
Pinagbibigyan kong mga tumatawid sa kalsada
Humihinto ako ‘pag ang ilaw ay pula
[chorus]
‘pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin
‘Di ako nagongotong o nagbibigay ng lagay
Ticket lamang ang tinatanggap kong ibinibigay
Ako’y nakatayo doon mismo sa kanto
At ‘di nagtatago sa ilalim ng puno
‘Di ako nagkakalat ng basura sa lansangan
‘Di bumubuga ng usok ang aking sasakyan
Inaayos ko ang mga kalat sa basurahan
Inaalagaan ko ang ating kapaligiran
[repeat chorus]
Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang
Kaya’t pag-aaral ay aking pinagbubutihan
‘di ako gumagamit ng bawal na gamot
O kaya’y tumatambay at sa eskwela’y ‘di pumapasok
Ipinagtatanggol ko ang aking karangalan
‘pagkat ito lamang ang tangi kong kayamanan
‘di ko ibinebenta ang aking kinabukasan
Ang boto ko’y aking pinahahalagahan
[repeat chorus]
Ako’y isang tapat at totoong lingkod ng bayan
Pabor o lagay ay ‘di ko pinapayagan
Tapat ang serbisyo ko sa mamamayan
‘Di ko ibinubulsa ang pera ng bayan
Ipinagtatanggol ko ang mamamayang Pilipino
Mga karapatan nila’y kinikilala ko
Iginagalang ko ang aking kapwa tao
Ipinaglalaban ko ang dangal ng bayan ko.
[repeat chorus twice]
Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino