Ako’y Isang Mabuting Pilipino

Ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

Tumatawid ako sa tamang tawiran
Sumasakay ako sa tamang sakayan
Pumipila at ‘di nakikipag-unahan
At ‘di ako pasiga-siga sa lansangan

Bumababa’t nagsasakay ako sa tamang sakayan (Nagbababa ako sa tamang babaan)
‘di nakahambalang parang walang pakiaalam
Pinagbibigyan kong mga tumatawid sa kalsada
Humihinto ako ‘pag ang ilaw ay pula

[chorus]
‘pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

‘Di ako nagongotong o nagbibigay ng lagay
Ticket lamang ang tinatanggap kong ibinibigay
Ako’y nakatayo doon mismo sa kanto
At ‘di nagtatago sa ilalim ng puno

‘Di ako nagkakalat ng basura sa lansangan
‘Di bumubuga ng usok ang aking sasakyan
Inaayos ko ang mga kalat sa basurahan
Inaalagaan ko ang ating kapaligiran

[repeat chorus]

Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang
Kaya’t pag-aaral ay aking pinagbubutihan
‘di ako gumagamit ng bawal na gamot
O kaya’y tumatambay at sa eskwela’y ‘di pumapasok

Ipinagtatanggol ko ang aking karangalan
‘pagkat ito lamang ang tangi kong kayamanan
‘di ko ibinebenta ang aking kinabukasan
Ang boto ko’y aking pinahahalagahan

[repeat chorus]

Ako’y isang tapat at totoong lingkod ng bayan
Pabor o lagay ay ‘di ko pinapayagan
Tapat ang serbisyo ko sa mamamayan
‘Di ko ibinubulsa ang pera ng bayan

Ipinagtatanggol ko ang mamamayang Pilipino
Mga karapatan nila’y kinikilala ko
Iginagalang ko ang aking kapwa tao
Ipinaglalaban ko ang dangal ng bayan ko.

[repeat chorus twice]

Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino

Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino

Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino

  • Charlotte kwan

    yay ang ganda

  • Charlotte kwan

    hahahahaha

  • ang cute

  • ang cute!

  • kailangan nmin sauluhin 2 kainis

  • michelle ann dometita

    ang ganda po ng kanta!
    para pong lumalabas yung pagiging nationalism ng bawat makakabasa nito!
    totoo po yun!

  • mary ann bieber

    ang gnda po ng message ng song…
    im proud to be filipino..<3

  • jhanes love pilipino

    ang ganda ng message ……
    sana lahat ng tao ganyan…..
    xalamat popopop………

  • grabe!!! ganda ng pagkaka interpret and wala kong masasabi sa sobrang ganda.
    minememorize ko nga ito kase kasali sa exam namin to eh

  • :)

  • ralph

    aking bayan na mabuti………..

  • Jaja

    Wow , super ganda .

  • uala keong guitar lesson ne2? gagamitin q kc sa skul ei

  • kabayanigamez

    tunay na kailangan isapuso, isaisip at isagawa bilang ambag natin sa pagkakaroon ng isang dakilang lahi at bansa. Salamat ka noel sa pagmumulat.

  • mahalin ang ating bayan upa

    ng suklian tayo ng magandang buhay,,,,,,,wag tayong gumawa ng maikasasama sa ating bayan ……………maraming salamat!!!!!

  • Al

    Dapat lang ganito tayong lahat.

  • Ganda ng kantang ‘to. ginamit ko na ito minsan sa isang seminar ko bilang activity: virtual concert and tawag ko doon. Galing parang concert talaga! Salamat Ka Noel. Isa kang mabuting Pilipino, mabuting pasahero!. Salamat din kapatid sa pag post. Let’s inspire the the Pilipino People, Let’s inspire the World!

  • salamat sa awit na ito, dahil Nakapasar ako sa first year,, salamat talaga kay Noel Cabangon……

  • ferdinan

    salamat s kantang ito sobrang nakatulong s kabataan

  • Proud to be a good Filipino.
    ‘Ako’y isang mabuting estudyante, mabuting mamayan at mabuting Pilipino. ‘

  • Awesome blog! Do youu h?ve an? tips for
    aspiring writers? I’m planing t? start m? own webste ?oon
    but I’m a ittle lost ?n ?verything. Woul? you propose starting ?ith a
    ffee platform l?ke WordPress o? g? for a paid option?
    ?here aare so m?ny chices ?ut t?ere that I’m totally confued ..

    Anny recommendations? Blless ?ou!

    my sitge – black bee

  • Grabe ganda ng song na ito.. I like it (y)

  • bryant

    subrng nkaka inspire… lalo n s mga kbataan be proud to be pilipino. skmat k noel

  • bryant

    subrng nkaka inspire… lalo n s mga kbataan slmt noel cabangon

  • hilda

    so nice

  • Janella jo

    Ang Ganda pong kanta. Magugustohan talaga Ito ng Lahat.

    • Janella jo

      Kailangan ko i tong I memorize para sa school activity namin…

  • Nice proud to be filipino

  • ang ganda ng kanta grabe hahaha!!
    ngayon ko lang nalaman na may gantong kanta!
    salamat kay ma’am bonifacio at pina assignment nya to! :*

  • tae

    napakahaba naman