Malayo Pa Ang Umaga

Aria Clemente

OST: Agua Bendita (ABS-CBN)

Malayo pa ang umaga
Kahit sa dilim, naghihintay pa rin
Umaasang bukas ay may liwanag
Sa aking buhay, umaga ko’y aking hinihintay

Sadya kayang, ang buhay sa mundo
Ay kay pait, walang kasing lupit
Kailan kaya, ako’y di na luluha
At ang aking pangarap, ay unti-unting matutupad

Malayo pa ang umaga
‘Di matanaw ang pag-asa
Hanggang kalian magtitiis ang paghihirap ko
At sa dilim hinahanap, ang pag-asa na walang landas
Kailan ba darating ang bukas para sa’kin

Malayo pa ang umaga
‘Di matanaw ang pag-asa
Hanggang kailan magtitiis ang paghihirap ko
At sa dilim hinahanap, ang pag-asa na walang landas
Kailan ba darating ang bukas para sa’kin

Malayo pa…ang umaga