Kapag Ako ay Nagmahal

Juris

OST: Magkaribal (ABS-CBN)

Ibibigay ang lahat-lahat
Handa akong gawin
Lahat ng ‘yong hiling
Sukli man ay sugat sa puso

Karamay ka
Sa hirap at saya
Masaktan mo man damdamin ko
Ako’y nandyan pa rin, sa’yong tabi

[chorus 1]
Kapag ako ay nagmahal
Ang lahat ng ito’y magagawa
‘Di magbabago, ‘di maghahangad
Ng ano mang kapalit

[chorus 2]
Kapag ako ay nagmahal
Umiyak man ako hindi ko ito ikakahiya
Handa akong magtiis
Kapag ako…kapag ako ay nagmahal

Sa’yo lamang
Iikot aking mundo
Sa ‘ki’y bale wala sasabihin ng iba
Basta alam ko, mahal kita

[repeat chorus 1]

Kapag ako ay nagmahal
Umiyak man ako hindi ko ito ikakahiya
Handa akong magtiis
Hindi ka man maging akin
Lahat ng ito’y gagawin
Kapag ako…kapag ako ay nagmahal