Magkaibang Mundo

Hale

Album: Kundiman

Hindi na ba tayo magbabago
Napagod na sa pakikibaka
‘Bat ‘di kaya tayo magkasundo-sundo

Dumagak na ang mga luha
Nilipas na ng panahon
Sugat na tila’y walang kasing hapdi

[chorus]
Nasaan ka man ngayon
Sana’y mabuti ka
Magkaibang mundo
Sana’y maisip mo ako

…ako

Tuloy ang awit sa ilalim ng tala
Unti-unting maaabot
Pagsapit ng dilim aking hiling

Kung ‘di man masilayan
Tamis ng kahapon
Sumpa ko na aking itatanim

[chorus]
Nasaan ka man ngayon
Sana’y mabuti ka
Magkaibang mundo
Sana’y maisip mo…

[bridge]
Walang balakid
Walang makakapigil
Ang ‘yong pangalan
Sigaw ng damdamin
Hindi alam kung san tutungo
Kung wala ka