Patawad

Sugarfree

Album: Mornings and Airports

Kung ‘di man tayo magkatuluyan
Pwede bang ‘wag na lang natin pag-usapan
Kung bakit ganito ang kinahatnan
Ng ating buhay at pag-ibig
Alam kong nasasaktan kita, tila di na sasaya
‘Di naman ako manhid sayo

Ako’y patawarin
‘Di sinasadya
Na ika’y mapaluha
Ako’y patawarin
‘Di makakaya
Na ikaw ay mawala

Kung ‘di mo kayang maniwala
‘Di ko pa rin malilimutan ang aking naramdaman
Nung unang araw na ika’y
Nasilayan sa may Philcoa
Sino ba’ng mag-aakala na ito ang simula
Ng pag-ibig na tinadhana

[repeat chorus]

Lahat ay gagawin
Para ika’y suyuin
Hindi naman ako
Insensitibo

[repeat chorus]

…Wala, wala, wala