Wala

Sugarfree

Album: Mornings and Airports

Wala akong sagot sa ‘yong tanong
Wala akong gamut sa iyong sakit
Wala akong asukal sa iyong pait
Wala nang bituin sa ating ningning
Meron pa ba?

[chorus]
Sabihin na natin ang ‘di kayang sabihin
Aminin na natin ang ‘di kayang aminin
Tapusin na natin ang hindi natin kailangang dalhin
Sabihin na natin ang ‘di kayang sabihin
Aminin na natin ang ‘di kayang aminin
Tapusin na natin ang hindi natin kailangang dalhin

Wala nang Lotlot sa iyong Monching
Wala nang Romnick sa aking Sheryl
Wala nang Gabby sa aking Shawie
Wala nang love sa ating team
O meron pa ba?

[repeat chorus]

Ako’y maong na kumupas
Ikaw ay kotseng naubusan na ng gas
Wala nang tubig pang-dilig
Pag-ibig natin ay halaman na unti-unting nalanta

[repeat chorus]

Oh, sabihin na
Aminin na
Tapusin na
Ang hindi natin kailangan
Oh…