Lihim

Peryodiko

Album: Peryodiko

Kanina pa,
Napapatulala
Nasa’n na kaya?
‘Di na naririnig

Minsan pa ba?
Ilang ulit pa bang
Pagtatakpan ang nadarama
Na ‘di na naririnig
‘Di na naririnig
‘Di na naririnig

Mapapawi kaya
Ang panahon na mawawala
Sa piling ng pansamantalang
Pag-ibig na gawa-gawa

Hanggang kailan kaya
Maglalakad ng walang patutunguhan
Sagad sa buto ang katotohanang
Nariyan lang pala pero ‘di na naririnig
‘Di na naririnig
‘Di na naririnig
‘Di na naririnig

‘Di naman dapat ganito ang aking kwento
Ngunit ‘di mapakali
Ang tadhanang nagmamadali
Natapos na lang bigla
‘Di man sinasdaya at ‘di ko na marinig
‘Di ko na marinig
‘Di ko na marinig

‘Di na naririnig, ‘di na naririnig, ‘di na naririnig, ‘di na naririnig…

‘Di na naririnig…