Jeepney Love Story

Yeng Constantino

Album: Lapit

Sumakay ako sa jeepney
Ikaw ang nakatabi
‘Di makapaniwala

Parang may hiwagang nadama
Nang tumama sa’yo
Ang aking mga mata

At nagsiksikan na
Dahil tumigil ang jeepney
Sa tapat ng eskwela

Biglang nagkadikit
Puso ko’y biglang sumikip
At natulala

Sabi nila’y walang hiwaga
Kung wala’y
Ano itong nadarama

[chorus]
Ayoko nang pumara kahit san mapunta
Ayoko nang pumara kung ikaw ang kasama
Ayoko nang pumara
Ayoko nang pumara
Ayoko na ahhh
Ayoko nang pumara kahit san pa lumiko
Ayoko nang pumara sana di na huminto
Ayoko nang pumara
Ayoko nang pumara
Ayoko na
Kung ikaw ang kasama

At may biglang sumingit
Na-tyempo pa sa ‘ting gitna
Sumimangot tuloy ang aking mukha

Mabuti nalang nagbayad yung ale
Sabi nya paabot naman
Nagkadahilan ako para ika’y tignan

Nung iaabot ang bayad
Kamay mo na palang nakaabang
Pambihira ‘diba swerte ko naman

Sabi nila’y walang pagibig
Kung wala’y
Ba’t kumakaba itong dibdib

[repeat chorus]

Manong driver ‘wag mo nang ibalik ang sukli ko
Manong driver ‘di mo ba alam walang babaan ‘to
Drive lang po ng drive, wag niyong hihinto
Kahit sa’n mapadpad, kahit lumipad man tayo
Minsan lang madama ang ganito

Pero bigla mong
Hinila yung tali
Sabi mo “Manong bababa ako sandali”

[repeat chorus twice]