Pagkakataon

Shamrock and Rachelle Ann Go

Album: Shamrock

Nabuhay muli ang damdamin
Nang magtagpo ang landas natin
Kay tagal nating ‘di nagkita
Binibining kay ganda, kumusta ka

Wala ka pa ring pinagbago
Kinikilig pa rin pag tinititigan mo
Sa kilos mong mapang-akit, mga balahibo ko’y tumitindig

Kung dati’y di ko nagawa ang magtapat
Ngayon handa na kong gawin ang nararapat

[chorus]
‘Di ko na palalampasin ang pagkakataon
‘Di na kita iiwasan pa, hindi tulad noon
‘Di ko na palalagpasin ang pagkakataon
‘Upang sabihin na mahal na mahal kita

Naglakas loob ako na lumapit
(Ang pisngi mo’y namumula)
Upang marinig ang malambing mong tinig
Nang makita kang lumalapit, tibok ng puso ko’y bumibilis

Noon ay hindi para sa isat-isa.
Ngayon tadhana na ang syang nagdidikta

[chorus]
‘Di ko na palalampasin ang pagkakataon
‘Di na kita iiwasan pa, hindi tulad noon
‘Di ko na palalagpasin ang pagkakataon
‘Upang sabihin na mahal na mahal kita

Ngayon nandito ka muli
Pangako ko ikaw lang ang iibigin
Kung pwede lang naman (kung pwede lang naman), kung pwede lang naman
Kung pwede lang naman hanggang sa huli.

[chorus]
‘Di ko na palalampasin ang pagkakataon
‘Di na kita iiwasan pa, hindi tulad noon
‘Di ko na palalagpasin ang pagkakataon
‘Upang sabihin na mahal na mahal kita

Mahal kita…
Mahal kita…
Mahal kita…