Patunayan

Silent Sanctuary

Album: Mistaken for Granted

Papatunayan ko na ako lang sa’yo
Hinubog mong buhay ko ng pag-ibig mo

‘Di na masusukat
Sandigan mong taglay
Magalit man ang langit
‘Di matitinag ang kulay

Diwa ko’y namulat
Matapos ang gulo
Saan man dalhin ng hangin
Papadpad pa rin sa’yo

Makinig kang mabuti
Buksan nang mapakinggan ng puso mo ang dapat mong malaman

[chorus]
Papatunayan ko na ako lang sa’yo
Hinubog mong buhay ko ng pag-ibig mo
Mamahalin kita, sa puso ko’y nandyan ka
Maiintindihan mo rin ako

Pinanggalingan ma’y magkaiba
Tadhana natin ay iisa
Ito ang sarili nating yugto
Bakit pa ako lalayo

Makinig kang mabuti
Pangakong walang ibang mas mahalaga
‘Yan ang dapat na paniwalaan, paniwalaan

[chorus repeat twice]
Papatunayan ko na ako lang sa’yo
Hinubog mong buhay ko ng pag-ibig mo
Mamahalin kita, sa puso ko’y nandyan ka
Maiintindihan mo rin ako

Kay tagal din kitang hinanap, halos ikamatay
Nakaukit ka sa aking palad
Mawalay ka, mawalay ka
‘Di ako papayag