Ito ang Gusto Ko!

Francis M

Ito ang gusto ko

[Verse 1]
Mabuhay nang maayos at lubos
Magbigay sa kapwa, magmahal ng taos
Gusto kong tikman ang sarap ng buhay
Hawakan ang bukas sa ‘king mga kamay
Makita (alin?), makita (alin?)
Makita ang liwanag sa gitna ng dilim

Ayoko sa dilim nagdidilim ang paningin
Ang kalayaang inaasam ay ibigay mo na sa akin
Mabuhay (ng tunay) makulay (ang buhay)
Ang luha’y ialay sa mga buhay na hinalay
Ang buhay natin ‘di kayang hamakin
Ipagtanggol ang karapatan natin

[Chorus 1]
Katarungan, ito ang gusto ko!
Kalayaan, ito ang gusto ko!
Kapayapaan, ito ang gusto ko!
Karapatang-pantao, ito ang gusto ko!

Kalikasan, ito ang gusto ko
Kabataan, ito ang gusto ko!
Kaibigan, ito ang gusto ko!
Sa buhay kong ito, ito ang gusto ko!

[Verse 2]
Gusto kong lasapin ang tamis ng panahon
Maniwalang mahigitan ko pa ang kahapon
Ayokong mawalan ng pag-asa
Gusto ko ng masasayang alaala
(Sama-sama), sari-sari, Sabay-sabay
Sabay sumasakay sa gulong ng buhay

Mapa itaas o mapa ilalim
Ang tao’y natitibo pag tumakbo ng matulin
Relax ka lang at ‘wag kumilos ng madalos
Kumilos ng maayos at umiwas ka sa galos
Iisa lamang ang ating katauhan
Bigyang kahulugan ang kasalukuyan

[Chorus 2]
Karangalan, ito ang gusto ko!
Kalusugan, ito ang gusto ko!
Kabutihan, ito ang gusto ko!
Sa buhay kong ito, ito ang gusto ko!

Kagitingan, ito ang gusto ko!
Kasipagan, ito ang gusto ko!
Kapatiran, ito ang gusto ko!
Sa buhay kong ito, ito ang gusto ko

[Instrumental 4 bars]

Yeah !

(Scratch) “Bring the noise!”

Yeah yeah… woh hoh…
Yeah yeah… woh hoh…
Yeah yeah… woh hoh…
Yeah yeah… woh hoh…

[Repeat Chorus 1]

[Repeat Chorus 2]