Hiling

Silent Sanctuary

Minsan ‘di ko maiwasang isipin ka
Lalo na sa t’wing nag-iisa
Ano na kayang balita sa iyo
Naiisip mo rin kaya ako

Simula nang ikaw ay mawala
Wala nang dahilan para lumuha
Damdamin pilit ko nang tinatago
Hinahanap ka pa rin ng aking puso

Parang kulang nga
Kapag ika’y wala

[chorus]
At hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako’y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo… / Patungo sa iyo, patungo sa iyo

Alaala mong tinangay na ng hangin
Sa langit ko na lang ba yayakapin
Nasan kana kaya,
Aasa ba sa wala

[repeat chorus]

[bridge]
Ipipikit ko ang aking mata dahil
Nais ka lamang mahagkan
Nais ka lamang masilalayan
Kahit alam kong tapos na
Kahit alam kong wala ka na

[repeat chorus]