Hanggang Sa Dulo

Ebe Dancel

Album: Dalawang Mukha ng Pag-ibig (2011)

Muling magtutuos ang liwanag at dilim
At pag-ibig ko ang aking patalim

Walang takot sumugod,
Umaalab ang damdamin
Laban puso, ‘wag susuko
Laban puso, ‘wag susuko

At sa pagsubok na ito
Ay hinding-hindi magpapadaig

Hanggang sa dulo ng daigdig
Hangga’t may pag-ibig ika’y manalig
Ano mang bagyo o delubyo
Pasan ka man ng mundo
Hanggang sa dulo
Hanggang sa dulo kakayanin ko
Matagpuan ka lang

Dinggin mo ang sigaw ng aking puso
Sinta ga’no ka man kalayo
Ano mang sugat ang aking matamo
Laban puso, ‘wag susuko

Hanggang sa dulo ng daigdig
Hangga’t may pag-ibig ika’y manalig
Ano mang bagyo o delubyo
Pasan ka man ng mundo
Hanggang sa dulo
Hanggang sa dulo kakayanin ko
Matagpuan ka lang