Luha

Ebe Dancel

Album: Dalawang Mukha ng Pag-ibig (2011)

Halos wala nang makita
Nung naghalo ang tubig at luha
Isang milyong damdamin ay lumalangoy na
At ako’y walang magawa

Patuloy ang daloy
Ng lungkot at dusa
Ang bukas, puno ng duda
Sa iiwanang bakas,
Ako’y walang kalaban-laban

‘Di na matanaw ang lupa
Kahapon ko’y inanod na ng luha
Isang milyong pangarap ay nalunod
At ako’y walang magawa

Patuloy ang daloy
Ng lungkot at dusa
Ang bukas, puno ng duda
Sa iiwanang bakas,
Ako’y walang kalaban-laban

Walang kalaban-laban

Parang kay layo pa ng umaga
Lulutang ba siya sa dagat ng luha
Isang milyong puso’y saan na pupulutin
Kung tayo’y walang magawa

Patuloy ang daloy
Ng lungkot at dusa
Ang bukas, puno ng duda
Sa iiwanang bakas,
Ako’y walang kalaban-laban