‘Wag Kang Mag-alala

Ebe Dancel

Album: Dalawang Mukha ng Pag-ibig (2011)

Kung sila’y biglang kumanan at daan mo’y kaliwa
‘Wag, ‘wag kang mag-alala
Kung gabi mo ay umaga’t baligtad ang kanila
‘Wag, ‘wag kang mag-alala

Kanya kanyang trip at panaginip
Kanya kanyang mga daang nais sundan

Kailangang manalig sa bawat
Sigaw at bulong ng iyong puso
Sumayaw sa sarili mong awit
Umindak at ‘wag pasindak
Kung ‘di ka katulad ng iba
‘Wag kang mag-alala

Kung kumakatok ang duda’t
Tumatawag ang kaba
‘Wag, ‘wag kang mag-alala
‘Wag masyadong magpadala
Sa sinasabi ng iba
Wag, wag kang mag-alala