Ikaw Ang Aking Tahanan

Ebe Dancel

Album: Dalawang Mukha ng Pag-ibig (2011)

Gabi at umaga
Ang agwat nating dalawa
Sa pagitan ay mga bitwing
Tila kulang ng ningning

Nagsusumikap
Nagpapakahirap
‘Di makatulog ng mahimbing
Sa kamang hindi akin

Malayo man ikaw lamang ang
Laman ng aking isipan
Malayo man ikaw pa rin,
Ikaw lamang ang aking tahanan

Tinitiis ang lamig
Alang-alang sa pag-ibig
‘Di madali ang buhay na
Pinili para sa akin ng tadhana

Ngunit ngayong gabi
Ang tanging nais lamang
Ay humiga sa iyong tabi
‘Wag sa kamang hindi akin

Ikaw lamang ang nag-iisang tahanan